32
sister-fox
Jul 23, 2018 @ 11:56
By

Sister Fox naghain ng apela sa BI

Hindi pa tapos ang laban ni Australian missionary Sister Patricia Fox.

Kaninang umaga ay nagtungo ang madre kasama ang kanyang mga abogado sa Bureau of Immigration (BI) para maghain ng kanyang motion for reconsideration kaugnay sa kautusan ng ahensiya na pagpapa-deport na sa kanya.

Ayon kay Sister Fox, hindi siya sasama sa mga kilos-protesta ngayong araw at hindi rin ito nagbigay ng mensahe para kay Pangulong Rodrigo Duterte na magsasagawa ng State of the Nation Address mamaya.

Nagpasalamat naman si Sister Fox sa mga sumusuporta at nagdarasal para sa kanya matapos siyang dumalo sa isinagawang misa na pinamunuan ng grupong Purple Cross Movement. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?