44

Sep 19, 2018 @ 19:51
By

Sister Fox humirit sa CBCP tungkol sa hinarang na missionary visa

Pinalilinaw ni Sister Patricia Fox sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pakikipagkasundo sa Bureau of Immigration (BI) para sa pagpapalabas ng missionary visas at extension.

Ayon kay Fox dapat ay maglabas ng malinaw na pahayag ang CBCP ukol dito dahil maapektuhan ang iba pang banyagang misyonaryo sa bansa.

Sa pagbasura ng mosyon ni Fox, unang ikinatuwiran ng BI na 27 taon nang namalagi sa bansa ang Australyanong madre at sa memorandum of agreement ng kawanihan at CBCP hanggang 10 taon lang maaring manatili sa bansa ang mga banyagang misyonaryo.

Ngunit katuwiran ni Fox hindi sakop ng kasunduan ang ibinigay na extension sa kanyang missionary visa at aniya noon lang 2014 siya nabigyan ng bagong visa kayat sa 2024 pa dapat ang expiration nito.

Una nang tinanggihan ng BI ang extension ng missionary visa ni Fox dahil una na itong naisyuhan ng deportation order dahil sa pagiging ‘undesirable alien.’

Sa ngayon ay may nakabinbin pang apila si Fox sa Department of Justice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?