60

Oct 31, 2018 @ 18:40
By

Sister Fox aalis na ng ‘Pinas

Lilisanin na ng Australyanong misyonaryo na si Sister Patricia Fox ang bansa kasunod ng pagbasura ng Bureau of Immigration sa kanyang request na mapalawig ang kanyang visa.

Sa Nobyembre 3 nakatakdang umalis si Sr. Fox ayon na rin sa utos ng Immigration, saad ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).

“Sr. Fox will leave the Philippines with a clear conscience that she has done nothing wrong and illegal during her 27 years of stay in the country.”

Ngunit nilinaw sa pahayag na balak pa rin umanong bumalik ni Sr. Fox sa oras na wala na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

“She intends to come back in the Philippines as soon as President Duterte is out of power and another government more receptive of dissent and who recognizes missionary and human rights work is in place,” ayon sa statement ng NUPL.

Matatandaan na binakuran ang kanyang pananatili sa Pilipinas dahil sa pagsama sa mga ‘political activity’ na ipinagbabawal para sa mga dayuhang nakatira sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?