8

By

Sison pupukpukin pa nang husto ang EAC

Sharing is caring!

WALANG dahilan para mag-relax kahit maganda ang laro ng kanyang mga alaga, nais ni Emilio Aguinaldo College Generals head coach Ariel Sison na magpokus pa sila sa mga susunod na laban.

Nasungkit ng Generals ang ikalawa nilang sunod na panalo noong Biyernes kontra sa mahigpit na Mapua University Cardinals, 89-85.

Tila nagising at naging agresibo ang mga bata ni Sison dahil dalawang sunod na panalo ang agad na nasikwat nito, pero para kay Sison walang kinalaman ang pagsasabi nito ng kanyang pagbibitiw sa paggising ng Generals.

“Hindi naman siguro, talagang hinihintay lang namin yung magandang break. Also yung mga previous game namin closing lang naging problema namin, so siguro yung attitude namin sa practice, attitude nila sa training andun eh, talagang maganda ginagawa nila,” saad ni Sison.

Palagi niya ring pinapaalala sa mga ito na dapat ang kanilang ugali at pag-iisip ay maging mas maayos araw-araw kahit na anuman ang kalalabasan ng kanilang laro.

Umaasa din ito na makuha nilang manalo sa mga susunod nilang laban pero hindi ito nagpapakampante dahil alam niyang malalakas rin ang sunod nilang makakatagpo.

“There’s a threat, Letran and CSB and of course JRU. We don’t set aside any of them, basta kami we just prepare hard for them,” dagdag nito.

Sunod na makakaharap ng Generals ang wala pa ring panalo na Jose Rizal University Heavy Bombers ngayong darating na Biyernes, Agosto 17. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?