51

Aug 24, 2018 @ 10:33
By

Sison, kumagat sa patibong ko – Duterte

Pinaglaruan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison kaugnay sa kanyang kondisyong pangkalusugan.

Ito ang inihayag ng Pangulo kasunod ng ipinakalat na tsismis ni Sison sa social media na comatose ito.

Sinabi ng Pangulo na kumagat si Sison sa kanyang patibong matapos kunwaring aminin na may cancer ito na stage 3 at mayroon din itong kidney failure.

Ayon kay Pangulong Duterte, naniwala naman si Sison kaya ikinalat nito na comatose ito.

“Alam mo si Sison pumasok talaga. He played into my hands. Alam mo ‘di ba you are familiar with my language… talkaties ako, bastos ako. ‘Kumusta ka mayor’, ah wala may cancer ako. Third stage ako… I don’t know if I can. Ana man ko musulti, I’m suffering from kidney failure tapos ang akong cancer nilatay na padulong sa ***,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na alam niyang papatulan ni Sison ang sinabi nito kaya pinalabas na comatose ito.

Pero ang katotohanan, ayon sa Punong Ehekutibo, ay si Sison ang mayroong malubhang sakit dahil mayroon itong colon cancer.

“Sison has cancer. He is suffering from cancer of the colon, sa tina-i. Sigehan niya’g opera unya hastang iyang pancreas naabtan, magsige lang gihapong panghambog nga comatose daw ko. Comatose sa imong i***. Ikaw ray himatayon diha. Hambugero,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?