57

Jan 22, 2019 @ 14:35
By

Sison ignorante, hindi na dapat patulan ng media – Malacañang

Nakatikim na naman ng pagliligwak sa Malacañang si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng plebisito sa Mindanao.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inilantad ni Sison ang kanyang pagka-ignorante matapos maglabas ng kanyang delusional analysis sa isyung politikal na hindi naman sakop ng kanyang nalalaman.

Nagtataka aniya ang Malacañang kung bakit pinapatulan pa ng media ang mga walang kabuluhang pag-iingay ni Sison na dapat ay hindi na pinapansin dahil wala namang mapupulot dito ang publiko.

“Communist Party of thr Philippines founding chairperson Jose Ma. Sison is once again talking nonsense by engaging in a delusional analysis on a political event that further exposes his blissful ignorance,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na mararatipikahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL) dahil sa boto ng mga botante at hindi dahil sa impluwensiya ni Pangulong Rodrigo Duterte o vote-buying na nais palitawin ni Sison.

Ayon kay Panelo, naniniwala ang mga botante na ang ratipikasyon ng BOL ang magbibigay-katuparan sa matagal nang pangarap ng mga taga-Mindanao na pag-unlad at pagbabago ng kanilang buhay at makahulagpos sa tanikala ng kahirapan, karahasan at terorismo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?