350

Jun 5, 2019 @ 10:04
By

Sisipot kaya? Villar, mga bagong senador pinatawag ni Sotto sa bahay ni Pacquiao

Gumagawa na ng paraan si Senate President Tito Sotto para mahinto ang mga usapan na nagkakaroon ng gulo para sa liderato sa Senado.

Ayon sa source ng Politiko, nagpatawag ng caucus si Sotto sa mga dating kasamahan at bago sa Senado, kasama dito ang tinitingnang posibleng labanan si Sotto sa pagka-Senate president na si Senadora Cynthia Villar, sa bahay ni Senador Manny Pacquiao.

Nagpadala umano ng sulat si Sotto na kanyang personal na ginawa para sa mga Senador na sasalang na sa 18th Congress para maayos ang mga gusot hindi pa man nagsisimula ang sesyon.

Kasama sa mga bagong senador na inanyayahan ni Sotto ay sina Ronald “Bato” Dela Rosa, Imee Marcos, Pia Cayetano, Bong Go, Francis Tolentino, Lito Lapid at Ramon “Bong” Revilla Jr.

Noong Lunes, Hunyo 3, nag-draft si Pacquiao ng resolusyon para malaman kung sino ang mga suportado si Sotto para muling maging lider ng Senado, 13 ang pumirma samantalang tumanggi si Vullar dahil kailangan muna umanong maayos ng mga mambabatas ang gusto sa PDP-Laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?