139
views

By

Sising-talong si Japeth

Sharing is caring!

Nagsalita na si Gilas Pilipinas member Japeth Aguilar tungkol sa kontrobersiya na kinakaharap ng koponan matapos nitong makipagsuntukan sa ilang manlalaro ng Australia.

Isa si Aguilar sa siyam na manlalaro na na-eject sa laro dahil sa nasabing insidente.

Sa tweet ng Ginebra forward, sinabi nito na magiging iba ang istorya kung hindi sila pinangunahan ng kanilang emosyon at sa gitna ng umiinit na komosyon, nais lang nila protektahan ang kanilang teammates.

“The incident last night could have been dealt with differently but emotions were running high. In the heat of the moment we just wanted to defend our brother,” bahagi ng tweet ni Aguilar.

Inamin din ni Aguilar na mas nangingibabaw sa kanila ang emosyon kaysa sa kanilang pag-iisip at hindi na siya gagawa pa ng dahilan sa kanilang ginawa.

“I admit that we acted on emotion rather than our logic and this regrettable because the situation could have been pacified and could have ended differently. There is no excuse for how we responded,” dagdag nito.

Humingi rin ng paumanhin si Aguilar sa lahat ng Pinoy fans at sa koponan ng Australia at iginiit din nito na higit sa kanila, kinakatawan nila ang bansa sa oras na suot na nila ang kanilang uniporme.

“As national team athletes, we are representing more than just ourselves as we wear our uniforms. How we acted last night is not just a representation of Filipino people. For this, I’d like to apologize to my fellow Filipinos, to the Australian team, to their supporters and to Basketball fans everywhere. Hopefully, we can move forward with humility, compassion and respect for one another,” pagtatapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?