41

By

Sisig, turon, chicken adobo bida sa hotel sa Austria

Kasama sa menu ng isang hotel sa Vienna ang mga pagkaing Pinoy gaya ng sisig at turon.

Ang Breakfast & Brunch Restaurant sa Hotel am Brillantengrund ay pag-aari ng pamilya ni Filipino-Austrian Marvin Mangilong.

Tinatayang nasa 300 taon na ang Hotel am Brillantengrund na matatagpuan sa 7th district ng Vienna, ayon sa Good News Pilipinas report.

Kasama ni Marvin ang kanyang ina na si Precy sa pagpapatakbo ng nasabing restaurant na nagse-serve ng mga Filipino cuisine.

Si nanay Precy daw mismo ang nagluluto ng mga putahe sa Breakfast & Brunch Restaurant gamit ang kanilang secret family recipes.

Kabilang sa menu nila ang chicken adobo, bistek tagalog, Bicol Express, sisig bangus, sinigang, arroz caldo at Pancit Malabon.

Nagbebenta rin sila ng monggo guisado, ube cheesecake, sago at cassava cake.

View this post on Instagram

summer evenings #ambrillantengrund

A post shared by brillantengrund (@hotelambrillantengrund) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?