449

May 20, 2019 @ 10:59
By

Sisi Rondina muntik magpunta sa Ateneo

Isa si Sisi Rondina sa pinakamarkadong manlalaro ng Sto. Tomas Golden Tigresses sa katatapos na 81st University Athletic Association women’s indoor volleyball.

Pero bago bago siya napadpad sa España-based squad, muntikanang maging parte ang UST star ng rival Ateneo Lady Eagles ang nagkampeon sa katatapos na torneo nang talunin ang una sa nakal;ipas na Sabado.

Siniwalat ni Ateneo coach Oliver Almadro na siya ang unang Manila-based coach na nakakilala kay Rondina.

Aniya, bata pa lang si Rondina sa Cebu City ay nakitaan na niya ito ng galing. Kaya naman sinubukan niyang i-recruit ang promising volleybelle sa Ateneo. Di lang natuloy sa ‘di na binangit na dahilan ni Almadro.

“You know na isa sa unang kilalang coach ni Rondina sa Manila ay ako. ‘Di pa ako coach ng women’s team, I’ve been recruiting her for Ateneo. Ako ang unang-unang nag-recruit sa kanya for Manila. Di lang talaga natuloy,” kumpisal ni Almadro.
Pinanapos niyang, “Bata pa lang si Sisi, nakita ko na siya. Sabi ko, may future ‘tong batang to. Indeed, MVP.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?