152

May 4, 2019 @ 14:16
By

Sisi, Eya isasalya ang mga reyna

Muling raratsada sina open spikers Cherry Ann Rondina at Eya Laure upang pangunahan ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa sagupaan kontra reigning champions De La Salle University Lady Spikers sa semifinals ng UAAP season 81 women’s volleyball tournament, alas-4 ng hapon, Linggo sa Mall of Asia Arena.

Mainit-init pa ang pagkapanalo ng No. 2 Golden Tigresses sa ginawang playoff noong Miyerkoles laban sa three-time champions.

Naging kontrobersyal pa ng paghinalaang “luto” ang pagkapanalo ng USTe.

Samantala, matandaan naman noong elimination rounds ay naka-isang dale ang Espanya-based squad laban sa rank No. 3 Lady Spikers.

Para pa kay UST head coach Kungfu Reyes, magandang experience para sa kanila ang nakaraang laban lalo pa’t kaakibat nito ang twice-to-beat incentive.

“Sobrang tagal na panahon, ganoon pala yung experience na may playoffs. Masarap sa pakiramdam na naglalaro ka at mas masaya na nanalo ka sa game.” pahayag ni coach Reyes.

Kahit ito ay napamangha sa nilaro ng kanyang koponan pero hindi pa dito natatapos dahil target parin nilang makabalik sa finals ngayon season.

“Sabi nga namin na malapit na kami doon sa goal namin, wala na tayong reason para hindi bumuhos. Kailangan pa namin manalo, so hindi pa β€˜to tapos,” wika ni coach Reyes.

Pero bukod kina graduating hitter Rondina at rookie Laure, kinakailangan din ang kontribusyon nina middle blocker Caitlyn Viray, setter Alina Bicar, libero Janel Delerio at rookie Ysa Jimenez upang i-ligwak ang defending champions sa trono.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?