16

Jul 19, 2021 @ 15:21
By

Sirit presyo sa petrolyo nagbabadya

Magkakaroon ng bahagyang pagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo simula sa Martes, July 20.

P0.30 kada litro ng kerosene at diesel ang dagdag sa Shell at Seaoil, pati ang P0.10 kada litro sa gasolina.

Sa CleanFuel naman, P0.30 ang pagtaas sa diesel, mananatili naman ang presyo ng gasolina.

Habang sa PetroGazz ay P0.30 kada litro ang sirit presyo para sa diesel, P0.10 naman sa gasolina.

Para naman sa Caltex, P0.10 kada litro ng platinum at silver fuel ang dagdag, P0.30 naman sa diesel at kerosene.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,