2,702

Nov 22, 2021 @ 10:37

Sirit dugo sa mukha! LeBron hinabol, gustong bugbugin ni Stewart

Nagkagulo sa laban ng Los Angeles Lakers kontra Detroit Pistons matapos masiko ni LeBron James ang mukha ni Isaiah Stewart.

Sa 3rd quarter ng laro, nagkabanggaan ang dalawa para sa rebound, nang bigla na lang matumba si Stewart.

Pagbangon nito ay agad na nilapitan si LeBron at gustong saktan.

Kita rin sa mukha ng Detroit big man na puno ng dugo ang sa bandang kanang mata niya.

Sa replay, nakita na siniko pala ni LeBron si Stewart habang pinipigilan maka-rebound.

Dahil dito’y sinubukang habulin ni Stewart si LeBron, ngunit naharangan siya ng mga teammate at staff ng kanilang koponan.

Ejected naman si LeBron sa naturang laro matapos tawagan ng flagrant foul penalty 2.

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?