139

Oct 8, 2021 @ 16:30
By

Siraan sa kampanya wala sa bukabularyo ng Lacson-Sotto tandem

Manunungkit ng boto ang Lacson-Sotto tandem sa pamamagitan ng kanilang mga alok na kakayahan, katapatan at katapangan na magreresulta sa maayos na pamamahala sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Partido Reporma chairman at standard bearer Panfilo “Ping” Lacson bilang tugon sa pormal na paghain ng kandidatura ni Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo bilang Presidente.

“Senate President Vicente C. Sotto III and I have agreed that we will rise on our own merits, and not to comment on our political rivals in the May 2022 elections,” ayon kay Lacson kasabay ng pagsabing hindi sila uugnay sa palitan ng insulto at akusasyon sa pangangampanya.

“We will focus only on presenting ourselves and our competencies to the electorate in an effort to get elected based on our own strengths, and not on the deficiencies of the others,” dagdag ng standard bearer ng Partido Reporma.

Sabi ni Lacson, hindi nagbabago ang kanyang disposisyon na manatili sa nakagawian na pagprisinta nang maayos sa sarili at hindi manira ng mga katunggali at hayaan na lamang na ang taumbayan ang magpasya lalo sa pagpili ng susunod na lider ng bansa.

“We will raise the level of discourse of the campaign and deal with issues rather than personalities. We intend to keep it that way, even as we encourage our supporters to follow our lead,” sabi ni Lacson.

Nauna nang isiniwalat ng Lacson-Sotto tandem nagpasya na silang mag-organisa ng walang-itinatago at maprinsipyong political campaign strategy online man at maging sa pangkalahatan at makikiisa sa mga hakbang tungo sa malinis, tapat at maayos ang eleksyon sa Mayo 2022.

“We have always said naman before, ‘di ba, we don’t want to identify ourselves on any side of the [political] fence. We’d rather be on the side of the Filipino people,” sabi ni Sotto sa mga mamamahayag matapos ang paghahain ng COC nila ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?