27

Mar 4, 2021 @ 16:15
By

‘Sir Chief’ bagong leading man ni Heart

Si Richard Yap o “Sir Chief” ang makakasama ni Kapuso star Heart Evangelista sa kanyang bagong Kapuso series na “I left My Heart in Sorsogon.”

Ani Heart, malapit sa kanyang puso ang proyektong ito dahil siya mismo ang nag-isip nito.

“I felt that it would be unique if I was able to really showcase Sorsogon through a soap. Eh alam ko that day you asked me if I wanted to do a soap so sagot ko ‘Puwede bang mag-soap kung Sorsogon? And then cinall (call) nila. And I was able to come up with ‘yung bet kong story concept,” wika ng fashionista sa isang panayam ng GMA News.

Sambit niya, excited na siyang makatrabaho si Yap dahil may mga mutual friend sila.

“Yes I’m excited kasi we have common friends and I have heard na mabait siya and easy to work with. And I’m also very easy. So, masaya,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?