97

May 15, 2021 @ 20:22

Siquijor coach, mga player forever ban sa VisMin Cup

Lifetime ban!

Ito ang ipinataw kay Siquijor coach Joel Palpal at ilan sa mga miyembro ng koponan matapos ang isinagawang imbestigasyon hinggil sa controversial game nila sa Pilipinas VisMin Super Cup.

Ayon sa ulat, ang desisyong pagbawalang makasama sa liga ang mga pinatawan ay nagmula mismo sa investigation panel.

Itinuturing nila itong `pinakamaruming’ 2nd quarter ng basketball game sa loob ng 60 taon.

Napaulat rin na magbabato ng ‘strong case’ ang Games and Amusement Board (GAB) sa mga manlalarong dawit sa bentahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?