ABANTE TNT denr micc mining
By

Sinuspindeng minahan, rerebyuhin ng DENR

Sharing is caring!

Uumpisahan na ngayon buwan ng Mining Industry Coordinating Council (MICC) ang pag-iimbestiga sa 26 minahan na ipinasara o sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ito ay matapos mabuo na ang 25 eksperto, na itinalaga sa limang technical review teams, na bubuo sa MICC na magsasagawa ng re-evaluation.

Pamumunuan ni Environment Sec. Roy Cimatu at Finance Sec. Carlos Dominguez III ang inter-agency council.

Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Asec. Mercedita Sombilla matapos ang review, inaasahan na magkakaroon ng mga rekomendasyon para maiwasan ang mga pinsala dulot ng pagmimina, gayundin sa mga paglabag at pagkukulang ng mga kompaniya.

Dagdag pa nito, sasakupin din ng pag aaralan ang mga batas at polisiya na dapat amyendahan partikular na sa operasyon ng mga minahan.

“The final report will be a consolidated one. We will not see individual reports for each of the mines. It’s going to be consolidated. It’s going to be general, the key results that will come out of the 26 mining sites,” ani Sombilla. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?