59

By

Sinuot na gown sa ABS-CBN Ball, ibebenta ni Juday

Para umano makakalap ng pondo para sa Bantay Bata 163 program, ipapasubasta ni Judy Ann Santos ang dalawang gown na sinuot niya ng 2018 at 2019 ABS-CBN Ball.

Sa video na binahagi niya sa Instagram matapos ang Ball noong September 15, ang mapagbebentahan ng kanyang mga gown ay mapupunta lahat sa Bantay Bata, na programa ng ABS-CBN Foundation.

Nasa P20,000 ang starting price ng itim na gown na sinuot niya nitong 2019 Ball habang P50,000 sa berdeng gown na ginamit naman niya noong nakaraang taon.

Ang detalye tungkol sa auction ay ipo-post sa mga social media account ni Juday.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?