57

May 30, 2020 @ 10:46
By

Sinugod ng protesta sa George Floyd murder: White House ni-lockdown!

Pinag-utos ng US Secret Service na i-lockdown ang White House matapos na magtipon ang mga raliyista sa labas ng gate bilang pagprotesta sa pagpatay ng isang Minneapolis police sa black man na si George Floyd.

Nagsama-sama ang mga demonstrador sa 14th at U street sa Northwest D.C bago sila magmartsa patungong White House.

Sumisigaw ang mga raliyista ng ‘black lives matter, ‘no justice, no peace’ at ‘I can’t breathe’ — na maririnig na sinasabi ni Floyd habang nakasampa ang tuhod ni police officer Derek Chauvin sa kanyang leeg bago siya malagutan ng hininga.

Wala naman umanong naaresto sa nasabing demonstrasyon, ngunit napaulat na isang Secret Service officer ang nasugatan sa insidente.

Tinuligsa ng mga American citizen si US President Donald Trump matapos sabihin na handa itong magpadala ng militar sa Minnesota kapag nagtuloy-tuloy ang protesta sa lugar dahil sa pagkamatay ni Floyd.

Sinabi pa nito na kapag nagkaroon na ng looting o pagnanakaw sa mga tindahan ay magsisimula na rin ang pamamaril sa nasabing lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?