22

Jul 20, 2021 @ 18:08
By

Sinovac vaccine sa edad 3-17 inaprub sa China

Puwede nang bakunahan ng Sinovac vaccine ang mga edad 3 hanggang 17 sa China matapos nitong aprubahan ang emergency use ng kanilang CoronaVac.

Ayon sa Chinese Embassy, ang emergency use authorization (EUA) ay batay sa resulta ng isinagawang Phase 3 trial ng CoronaVac.

Lumabas na 98.9% epektibo ang CoronaVac sa paggawa ng antibodies sa edad 3 hanggang 17, na mas mataas ang efficacy kumpara sa 18-anyos pataas.

Dagdag ng embahada, 180 volunteer na nasa nabanggit na age group ang sinalang sa pag-aaral.

Noong Pebrero 2021 inaprubahan sa Pilipinas ang EUA ng Sinovac vaccine para sa mga malusog na indibiduwal edad 18 hanggang 59.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?