10

Mar 8, 2021 @ 19:27
By

Sinovac vaccine ituturok sa mga senior sa bansa

Inanunsyo ng Chinese pharmaceutical firm na Sinovac Biotech na magkakasa sila ng clinical trial ng kanilang bakuna sa bansa kung saan tuturukan ang mga Pinoy na may edad na 60-anyos pataas.

Ayon sa ulat ng GMA News, lumabas sa resulta ng pagsusulit ng Food and Drug Administration sa naturang bakuna na nasa 65% hanggang 91% pala ang efficacy rate nito kapag itinurok sa 18 hanggang 59-anyos.

Anila, hindi naman ito inirerekomenda sa mga 60-anyos pataas.

Wika ni Department of Science and Technology–Philippine Council for Health Research Development Executive Director Jaime Montoya, nagsimula ng magkasa ng mga cliical trial ang Sinovac sa ibang bsna.

“Once the data is available and they’ve analyzed it already, they submit it to FDA and the FDA can update its recommendations,” sambit niya.

Ayon sa ulat, nagsagawa na ng trial ang naturang manufacturer sa Brazil at Turkey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?