16

Mar 1, 2021 @ 15:17
By

Sinovac vaccine ihahatid sa Cebu, Davao

Nitong unang linggo ng Marso nakatakdang dalhin sa Cebu at Davao ang coronavirus vaccine mula sa Chinese firm na Sinovac.

“Ita-transport na po ‘yung vaccine this coming March 3 and 4 doon sa Cebu. This coming [March] 5 and 6, ita-transport naman nila sa Davao,” ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., nitong Lunes sa isang televised briefing.

Dagdag niya, ipamamahagi ang mga vaccine dose sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Hindi niya binanggit ang dami ng bakuna na dadalhin sa nasabing mga ospital pero tiniyak na magiging patas ito.

Kung may sobra man aniya ay bibigyan ang iba pang rehiyon tulad ng Region 3, Region 4A, Baguio City at iba pang lugar na tinamaan ng COVID-19.

Nitong Lunes umarangkada na ang COVID-19 vaccination program sa bansa gamit ang 600,000 dose ng bakuna na gawa ng Sinovac at donasyon ng Chinese government.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?