35

Jan 22, 2021 @ 12:30
By

Sinovac ‘no show’ sa Senate hearing sa COVID-19 vaccination program

Walang kinatawan ang Chinese firm Sinovac Biotech sa ikatlong pagdinig ng Senate Committee of the Whole tungkol sa COVID-19 immunization program.

Kasama nag kumpanya sa guest list subalit walang kinatawan mula sa Sinovac ang nagkumpirma ng kanilang pagdalo sa pagdinig.

Nauna nang sinabi ni Senador Hontiveros na dapat dumalo sa pagdinig ang Sinovac para marinig sa kanila bibig ang lahat ng kasagutan sa mga tanong kaugnay ng presyo at efficacy ng kanilang bakuna na Coronavac.

Noon nagdaang linggo, pinutakti ng tanong ng mga senador ang mga opisyal ng gobyerno hinggil sa pagpabor sa Sinovac.

Dati nang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na maaring may nagtatakang i-overprice ang Sinovac vaccine bagay na pinabulaana ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Hindi binanggit ni Sinovac General Manager Helen Yang sa isang panayam kung magkano ang bawat dose ng CoronaVac subalit tiniyak nitong bibigyan nila ang pamahalaan ng “very good” price ng kanilang bakuna.

Hindi rin dumalo sa pagdinig ang kinatawan ng MKG Corporation, ang local distributor ng isa pang Chinese firm na Sinopharm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?