28

Feb 28, 2021 @ 16:44
By

Sinovac COVID-19 vaccine dumating na sa bansa

Lumapag na sa Villamor Air Base, Pasay City ang eroplanong may karga ng Sinovac vaccine na siyang unang bakuna kontra COVID-19 ng bansa.

Lumapag ang naturang eroplano kaninang alas-4:10 nang hapon sakay ang 600,000 ng dose ng Sinovac vaccine.

Namataan naman sa naturang air base ang ilang opisyal na sina Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, presidential spokesperson Harry Roque, vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. Secretary of Foreign Affairs Teddy Locsin, Secretary of National Defense Delfin Lorenzana at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Inaasahang magsisimula na ang vaccine rollout bukas sa mga ospital tulad ng Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines at Veterans Memorial Medical Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?