5

Mar 1, 2021 @ 21:57
By

Sinopharm nag-apply na ng EUA sa FDA

Nagsumite na ng aplikasyon sa Food and Drug Administration (FDA) ang Sinopharm para mabigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) sa kanilang mga bakuna.

Ang Sinopharm ay pharmaceutical company na pinapatakbo ng gobyerno ng China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naisumite na ngayong Lunes ng Sinopharm ang kanilang aplikasyon.

“It has been filed. They have already filed with the FDA an application for EUA for Sinopharm vaccine,” ani Roque.

Ang Sinopharm ang choice ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi puwedeng gamitin sa mga senior citizen ang Sinovac vaccine na naunang dumating sa bansa.

Sinabi ni Roque na aabutin ng 21 araw o higit pa bago maaksiyonan ng FDA ang aplikasyon dahil dadaan sa masusing pag-aaral at pagbusisi ng mga eksperto ang mga dokumentong ibinigay ng Sinopharm sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?