85
Sinong matatanggal? Meralco babalasahin
Mar 28, 2019 @ 19:50
By

Sinong matatanggal? Meralco babalasahin

Naging matipid ngunit malaman ang sagot ni Meralco head coach Norman Black nang maitanong kung anong balak sa team ngayong unti-unting dumidilim ang tsansa ng koponan sa playoffs.

Ayon kay Black, may mangyayari sa mga susunod na conference na posibleng palitan ng tao.

“I’m sure between now and the next conference something will happen,” ayon kay Black matapos matalo sa Ginebra para bumagsak sa 3-8 kartada.

“I can’t tell you what it is, but something will happen,” aniya pa.

Matatandaan na malakas ang naging ugong-ugong na kanilang balak kunin si 2018 second pick overall na si Ray Parks Jr. bago magsimula ang season.

Humina lang ang usapan matapos maglaro ni Parks para sa Asean Basketball League, ngunit posibleng siya ang unang target ng Meralco bilang susunod na Bolts player.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?