959

Jun 16, 2019 @ 12:44
By

Sinong kulang sa binubuong Lakers super team?

Kasado na ang ilang buwang niligawan ng Los Angeles Lakers, sa wakas ay matutuloy na ang pagsasama ng dalawang eksplosibong All-Star sa liga na sina LeBron James at Anthony Davis.

Ngunit kaya pang kumuha ng isang max-player contract ng LA, malinaw ang intensyon na bumuo ng super team para muling maibalik sa pedestal ang California-based squad.

Kung titingnan, apat na manlalaro ang kaagad na papasok sa isip sa mga pwedeng sumanib sa Los Angeles Lakers at maging third man kina James at Davis.

At kung mayroong mauuna sa listahan, walang iba kundi si six-time NBA All-Star Kyrie Irving.

Napabalitang nag-opt out si Irving sa kanyang $21.3M player option deal sa Celtics, ibig sabihin ay unrestricted free agent na ito ngayong offseason.

Ang tandem nina LeBron at Kyrie ay subok na, nagbunga ng isang kampeonato para sa Cleveland Cavaliers kasama rin ang isa pang star forward na si Kevin Love, kapareho ng posisyon ni Davis.

Samantala, maugong naman na target ngayon ng Lakers ang franchise scoring record holder ng Charlotte na si Kemba Walker.

Ayon sa ilang report, posibleng mag-offer ang Lakers kay Kemba para masungkit ito sa free agency, na magiging magandang dagdag sa Lakers sa breakout season nito noong nakaraang taon na nag-average ng 25.6, 4.4 rebounds at 5.9 assists.

Hindi rin mawawala sa usapan si Philadelphia Sixers star Jimmy Butler, napaulat na inayawan ang player-option sa Philly at nag-like sa social media sa pagkaka-trade ni Davis sa Lakers.

Malabo man ngunit titingnan din kung ano ang magiging pasya ni Kawhi Leonard, na iginiya ang Toronto Raptors sa kampeonato, dating gustong malipat sa Lakers ngunit nai-trade ng Spurs sa Canadian team at papasok rin sa free agency ngayong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?