382
ABANTE aktress arte commercial shoot
By

Sino siya? Female celeb naanakan ng pamilyadong lalake

Sharing is caring!

Walang puwedeng asahang pag-amin agad-agad mula sa isang female celebrity tungkol sa tsikang nagbuntis kaya nagbakasyon siya ng matagal abroad at doon na rin nanganak.

Ang tsika kasi, hindi raw malaman ng nasabing female celebrity kung paano sasabihin kung sino ang tatay ng kanyang anak once na aminin na niya ang tungkol sa bagay na ‘yon, kaya mas type na raw niyang huwag na lang magsalita tungkol doon.

Ang tsikang nakarating sa akin, married daw kasi ang guy na nakabuntis kay female celebrity, kaya paano nga naman niyang ipaliliwanag ang tungkol doon?

May nakapagtsika rin sa akin na noong una raw ang akala ng iba ay hiwalay na sa misis nito ang lalaking nakabuntis kay female celebrity, pero hindi pa pala.

Well, ngayon ay maliwanag na kung bakit hindi nga maamin-amin ni female celebrity na siya ay nagbuntis at nanganak at ngayon ay isa na ring nanay katulad ng ilan niyang mga kaibigan, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?