349

Nov 27, 2017 @ 17:53

Sino si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters?

Sa tala ng Wikipedia, ipinanganak noong Hunyo 28, 1995 si Demi-Leigh Nel-Peters, isang South African model at beauty pageant titleholder bago kinoronahang Miss Universe 2017.

Isinilang ito sa Sedgefield, Western Cape. Ang mga magulang nito’y sina Bennie Peters at Anne-Mari Steenkamp.

Ayon kay Nel-Peters, mayroon siyang half-sister na may kapansanan na si Franje na nagsisilbing motibasyon niya sa buhay.

Mayroon siyang degree sa Business Management sa North-West University kung saan bihasa siya sa salitang Inggles at Afrikaans, unang lengguwahe ng mga Afrikaners at Coloureds sa South Africa.

Nagsimulang sumabak sa beauty pageant si Nel-Peters sa Miss South Africa 2017 kung saan siya ang nanalo.

Bilang Miss South Africa 2017, naatasan si Nel-Peters na maging kinatawan ng kanyang bansa sa Miss World 2017 at Miss U 2017 ngunit dahil sa magkasunod na petsa nito’y ipinadala na lang ito bilang representante sa Miss U na ginanap sa Las Vegas, Nevada, USA.

Sa Miss Universe 2017 final showdown, tinanong ni host Steve Harvey si Nel-Peters kung ano ang katangian nito na maipagmamalaki niya at paano niya ito gagamitin sa oras na maging Miss Universe?

Aniya, “As Miss Universe you have to be confident in who you are as an individual. And Miss Universe is a woman that has overcome many fears and by that she is able to help other women to overcome their fears. She is a woman that nothing is ever too much to ask for and I think that is exactly who I am.”

Naging paborito rin si Nel-Peters na manalo bilang Miss U 2017 dahil sa pananaw nito sa pagtatrabaho, na dapat maging pantay ang bayad sa mga kababaihan at kalalakihan.

Sa kasagsagan ng Miss U 2017, naging magkaibigan si Nel-Peters at ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters kung saan nag-post pa ito sa kanyang Instagram ng larawan nilang dalawa at nagbiro na pareho sila ng damit at apelyido ni Rachel.

@demileighnp, “When your last names and outfits are matching, it definitely calls for a photo. Had the best time eating too much brownies with @rachelpetersx at @sugarfactorylv.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?