144

Mar 17, 2021 @ 14:29
By

Sino mas magaling kina Arroyo, Duterte? Kiko may sagot

Tinanong ng Politiko si Senador Francis Pangilinan kung sino para sa tingin niya ang mas magaling na presidente: si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ba o si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang ito sa mga tinanong sa mambabatas ngayong Miyerkoles sa bagong segment ng “Politiskoop” na “Ratatat: Ratsadang Tanong, Tapatan, at Tarantahan.”

Tumawa muna si Pangilinan bago sumagot, “No comment na lang dyan.”

Hindi pinalampas ng show hosts ang tugon ng senador, na siya ring kasalukuyang pangulo ng Liberal Party, at giniit na hindi naman kailangan magpaliwanag ng huli sa pipiliin nito.

“Eh pareho kong tinutulan eh, so pagka sinabi kong merong [mas magaling], edi parang hindi naman ako totoo,” komento ni Kiko.

“Ako, none of the above,” sambit niya sa huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?