968
duterte9
By

Sino kayo para diktahan ako? – Duterte sa ICC

Sharing is caring!

Nagpatama si Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court patungkol sa alegasyon na pagpatay sa libo-libong katao dahil sa kampanya kontra droga.

Sa kanyang speech sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Biyernes, Setyembre 21, sinabi ni Duterte na “bullshit” umano ang naturang ahensya dahil sa pagpipilit na maikulong ang presidente dahil umano sa pagpatay sa mga Pinoy.

“They want to send me to prison and try me for genocide… They’re a bunch of criminals. Show me how they died, when they died, where? Nothing,”

“They would just say, Duterte time, 4,000 killed. Me killing 4,000? I won’t even have time to sit for a shit. It would keep me busy for 24 hours,” pakli ni Duterte.

Iginiit rin ni Digong na pinipilit umano ng ICC na pangunahan ang kanyang pamamalakad sa bansa na nakabase sa European Union.

“What’s your problem? Who are you to run my country? That’s the problem with the European Union. They are into international governing. they create an ICC, European community, and they try to impose their values and the way they think how criminal is categorized. It’s neocolonialism,” dagdag ng pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?