1,397

Jun 26, 2022 @ 13:47
By

Sino ang tatay? Rita Daniela umaming buntis!

Inamin ni Kapuso actress Rita Daniela na buntis siya.

Naluha ang aktres nang ianunsyo niya ito sa “All-Out Sundays” ngayong Linggo, June 26.

“I’m so, so happy and proud to say that I am soon to be a mother!” anang dating ka-loveteam ni Ken Chan.

“Wala naman po akong planong ilihim ito. I just… naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” dagdag pa niya.

Sinasabing ang non-showbiz longtime boyfriend ang tatay ng ipinagbubuntis ni Rita.

Si Rita ang grand champion ng unang season ng “Popstar Kids”.

Nakilala rin si Rita sa hindi inaasahang pagki-click nila ni Ken sa teleseries na “My Special Tatay”, kung nagsimulang mabuo ang loveteam na RitKen.

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?