960
Sino ang pinaka-pogi? Maine pinapili kina Alden, Arjo, Carlo
By

Sino ang pinaka-pogi? Maine pinapili kina Alden, Arjo, Carlo

Kinilig ang audience ng “Tonight With Boy Abunda” noong Lunes sa sagot ni Maine Mendoza kung sino kina Alden Richards, Arjo Atayde at Carlo Aquino ang pinaka-gwapo sa paningin ng Kapuso actress.

Maliban doon, tinanong muna sa “Fast Talk” segment si Maine kung ano ang mas type nito, moreno o mestizo kung saan mestizo ang pinili ng tinaguriang “Dubsmash Queen”.

Kasunod naman ay pinapili siya sa tatlong lalaki kung sino ang pinaka-pogi.

“Sinong pinaka-pogi: Carlo, Alden, Arjo?”

Diretsahang sinagot ito ni Maine ng “Arjo” na kinahiyaw ng audience.

Sinagot din niya kung ano ang “sexiest part of Arjo’s body”.

“Too many to mention” ang naging tugon ni Maine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?