1,549

By

Sino ang lalaking nambastos sa mga Miss Earth candidate?

Sharing is caring!

Isang Amado S. Cruz ang pinangalan ni Miss Guam na si Emma Sheedy na tinuturong nangmanyak umano sa mga kandidato sa nasabing beauty pageant.

Sa artikulong nailathala sa GMA News Online, nilinaw ni Lorraine Shuck, ang Vice President ng Miss Earth, na hindi tunay na sponsor si Cruz sa nasabing patimpalak.

Ang nasasangkot na lalaki ay sponsor lamang umano para sa pagkain ng mga candidate, dahil may-ari ito ng ilang restaurant malapit sa Manila Yacht Club.

Ipinaliwanag din ni Shuck na ang Manila Yacht Club ay hindi rin sponsor ng Miss Earth, at ang mga miyembro ng nasabing lugar ang kanilang kausap para sa pamamalagi roon ng mga candidates.

“Hindi naman sponsorship yun nag-host sa pagkain. Hindi siya totoong sponsor,” pakli ni Shuck sa interbyu ng GMA.

Matatandaan na ilan sa mga nagreklamo maliban kay Sheedy ay sina Miss Earth Canada at England na na-sexual harass umano ni Cruz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?