204

Oct 21, 2017 @ 13:40

‘Sinkhole’ sa EDSA tinapalan muna

Ginawaan muna ng paraan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nadiskubreng ‘sinkhole’ sa southbound lane ng EDSA sa San Juan City.

Kahapon, matapos kumpirmahin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sinkhole ang butas na iniulat ng PNP-Highway Patrol Group ay sinubukan itong tapalan ng aspalto ngunit lumubog lang ito sa butas.

Ang sinkhole ay tinatayang may isang talampakan ang lalim at buhangin ang makikita sa loob.

Sinabi ni Bong Nebrija, operations supervisor ng MMDA, na lubhang delikado ang butas para sa mga motorista kapag hindi nasolusyonan.

“This is a potential hazard sa mga motorists. Kaya nga gusto na natin ayusin sa pinakamabilis na panahon kasi kapag lumubog mas malaking peligro baka makadisgrasya pa,” sabi ni Nebrija.

Nangangamba ang MMDA na maaaring maliit na bahagi pa lang ng mas malaking sinkhole ang kanilang nadiskubre.
Hanggang ngayong araw ay oobserbahan ng MMDA ang naturang butas. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?