187

Oct 23, 2017 @ 17:29

Sinkhole sa Edsa, natapalan na

Buksan na muli ang dalawang linya ng bahagi ng EDSA southbound sa San Juan City matapos matuyo ang itinapal na semento sa nadiskubreng sinkhole.

Konkreto na ang ginamit sa butas dahil lumubog lang ang aspalto na inilatag noong Sabado ng umaga.

Ang pagsasa-ayos ng sinkhole noong araw ng Linggo ang naging dahilan kaya’t pinutol ni Police Dir. Napoleon Taas, ang ASEAN Summit Task Force Commander ang convoy dry run na nagmula sa Clark, Pampanga.

Naipit sa matinding trapiko ang convoy alas-10:30 ng umaga dahil isinara ang dalawang linya ng EDSA southbound dahil sa pagtatapal sa sinkhole.

Ayon kay Bong Nebrija, operations supervisor ng MMDA, kailangan ayusin ang butas dahil lubha itong delikado para sa mga motorista at maaring maging ugat ng aksidente. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?