baril1
By

Sinitang walang helmet, huli sa baril

Sharing is caring!

Hindi nakalusot ang isang lalaking may dalang baril matapos sitahin ng Pasig police makaraang walang suot na helmet habang nagmomotorsiklo sa kahabaan ng Barangay Pinagbuhatan, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code ang suspek na si Stari Sali Jr. y Corbes, nasa hustong gulang, glass installer at residente ng Pasig City.

Batay sa report, sinita ng mga tauhan ng PCP Station 8 na nagsasagawa ng check point sa kahabaang ng C-6 Road., sakop ng Barangay Pinagbuhatan, bandang 6:30 kamakalawa ang gabi dahil walang suot na helmet ang suspek na lulan ng kanyang motorsiklo.

Hinanapan ng driver’s license si Sali at nasipat ng pulisya ang isangbaril mula sa pagbukas nito ng kanyang dalawang sling bag at agad na dinampot ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang .9mm (parabellum) pistol na may serial number B03452 at isang magazine loaded with ten (10) live ammos.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell habang hinihintay ang pag-inquest sa kinahaharap na kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?