55

Mar 21, 2020 @ 13:44
By

Sinita dahil curfew: Menor de edad swak sa droga

Kalaboso ang isang 17-anyos na lalaki matapos makuhanan ng iligal na droga nang sitahin sa paglabag sa curfew hours sa bayan ng Gonzaga, Cagayan noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Gonzaga Police Station (GPS) chief-of-police P/Major Jeofferson Gannaban, nakita ang suspek na palakad-lakad sa Barangay Paradise, alas-onse ng gabi kung kaya’t sinita ng mga nagpapatrolyang pulis.

Sa pagsita ng mga pulis, biglang tumakbo ang suspek kaya nagkaroon ng habulan hanggang sa mahuli.

Nang makorner ito, biglang may tinapon umano ang suspek kung saan batay sa pulisya, ito ay hinihinalang shabu na umabot sa 12 sachet at marijuana na nakabalot sa papel.

Sinabi ng GPS, tubong Tuguegarao City ang menor-de-edad ngunit kasalukuyang nag-aaral sa nasabing bayan.

Mahigpit ang pagpapatupad ng GPS sa curfew hours sa lugar bilang pag-iingat sa coronavirus disease-2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?