40

By

Siningit na P52B sa 2019 national budget, pinarte ng Kamara

Hinati-hati ng Kamara bilang Committee of the Whole ang P52 bilyon na umanoý singit sa ilalim ng P3.757 trilyon na panukalang 2019 national budget.

Inamyendahan ng komite na pinamunuan ni House Majority Leader Rolando Andaya ang House Bill No. 8169 sa ilalim ng Committee Report 854 para ikalat ang P51.792 bilyon sa maraming distrito. Una itong inilaan sa iilan lamang kaya inalmahan ng mga kongresista.

Sa kabila nito’y tiniyak naman ni Andaya na nananatiling intact ang isinumiteng budget ng administrasyong Duterte at bukas ay nakatakda na itong isponsoran at simulant ang deliberasyon sa plenaryo.

“Tinanggal at inilaan po natin sa iba, so wala pong nabawas sa kabuuang halaga. Nagkaroon lang po ng paggalaw. Iyan ang magiging basehan ng tatalakaying budget bukas,” sabi ni Andaya.

“Our intention is not to destroy what the Executive proposes but to strengthen it. To vet and validate and verify proposed funds because the budget is not a document as thin as a bank account,” dagdag ng kongresista.

Kabilang sa nagalaw ang mga pondo ng Department of Education (DepEd) para sa pagpapatayo ng tech-voc facilities, P3-billion; Department of Agriculture (DA) farm-to-market roads, P5-billion; state universities and colleges (SUCs) capital outlays, P1.2-billion; Department of Heath (DoH) human resources for health deployment and health facilities enhancement program, P3-billion; at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?