187
isagani-zarate
Dec 24, 2017 @ 19:24
By

Sinibak na mga empleyado ng DAP, ibalik – Zarate

Kasunod nang pagsibak kay Atty. Elba Cruz bilang presidente ng Development Academy of the Philippines (DAP), iginiit ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate na isunod na rin ang “minions” nito.

Tinukoy ni Zarate sina Senior Vice President for Resource Administration Dr. Fabian Go, Atty. Crisostomo Uribe, chief legal counsel at Dr. Emmanuel Silan, human resource ng DAP na ginamit umano ang mga posisyon para gipitin at tanggalin ang mga empleyadong kritikal kay Cruz.

Sabi ng kongresista, dapat ibalik sa trabaho ang mga pinalayas ni Cruz dahil lamang sa pagpapahayag ng saloobin at paggiit ng kanilang karapatang magtipon.

Napag-alamang sinibak ang DAP employees makaraang magsumite ang mga ito ng petisyon kay Pangulong Rodrigo Duterte para patalsikin si Cruz.

Ayon sa kongresista, ang hakbang na ito ng pamunuan ng DAP ay malinaw na pagsikil sa lehitimong pagpapahayag nang pagkontra ng mga empleyado.

“We hope that the plea of the employees would be answered and the some one who understands the premier research and training institution as well as the plight and struggle of the Filipino people would be the one to lead it,” ani Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?