71
marina
By

Sinibak na MARINA head, bakasyon grande muna kasama ang pamilya

Sharing is caring!

Pagbabakasyon muna kasama ng kanyang pamilya ang unang gagawin ng sinibak na Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Marcial ‘Al’ Amaro III sa sandaling tuluyan na niyang lisanin ang kanyang tanggapan.

“He will take some short break spend more quality time with family, to make up for lost time, as he devoted his life to public service so much for the last 17 months wanting then to make a positive legacy for the maritime industry,” ayon kay Mon Cruz, chief of staff ni Amaro.

Nabatid na pagkatapos ng bakasyon muling babalik sa kanyang dating trabaho si Amaro.

Bago pumasok sa gobyerno nabatid na siya ay vice president ng Chelsea Ship and Marine Service Corporation at naging consultant, internal auditor, inspector at accident investigator.

Bukas pa rin naman si Amaro kung sakaling alukin siya ng panibagong puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte, kaya lang ay baka awayin na umano siya ng kanyang asawa at mga anak.

“He is always open to such, kanya lang baka awayin na siya ng wife and kids niya kasi nga he dedicated his life to a true public service only to be humiliated and accused of wasting gov’t resources,” ayon pa kay Cruz.

“Yung pagkapanalo natin sa IMO Executive Council, hindi man lang siya pinasalamatan ng Pilipinas at taumbayan, instead of being congratulated and praised for his efforts, ipinahiya pa siya,” dagdag pa ni Cruz.

Ibinulgar pa ni Cruz na may mga “king makers” na gusto nang maupo sa MARINA ay kontrolado nila para makuha ang lahat ng bidding sa ahensiya at magkamal ng pera.

Samantala, inasahan na rin ni Amaro na masisibak siya sa puwesto dahil Oktubre pa lamang, aniya, ay usap-usapan nang mabilis siyang matatanggal sa trabaho at mapapalitan.

Sinabi pa ni Amaro na 19 na mga barko ng malalaking kompaniya ang kanilang pinahinto sa operasyon upang masiguradong maayos ang pamamalakad sa isang barko. At dahil dito ay marami na ang nagagalit sa kanya.

Sa balita lamang nalaman ni Amaro ang tungkol sa kanyang pagkakasibak sa puwesto at hindi naman masama ang kanyang loob sa Pangulo. Tanggap niya aniya ang kanyang naging kapalaran.

Ngunit paglilinaw ni Amaro, lahat sa 24 mga biyahe niya sa labas ng bansa noong 2016 at 2017 ay pawang mga business trips. ‘Yun nga lang ay ilan lamang dito ang invitational at karamihan ay nanggaling sa pondo ng pamahalaan ang gastos para sa biyahe.

Nanghihinayang si Amaro sa mga nasimulan na niyang proyekto. Kaya naman hiling niya sa papalit sa kanya bilang pinuno ng MARINA, ipagpatuloy nito ang mga magagandang proyektong sinimulan niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?