170

Jul 18, 2019 @ 22:02
By

Sinibak na 64 empleyado ng Customs, kinausap ni Duterte sa Malacañang

Nakipag-meeting si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tinanggal na empleyado ng Bureau of Customs (BOC) nitong Huwebes ng gabi sa Malacañang.

Ang mga ito ang 64 na sinibak na BOC personnel dahil sa alegasyon ng korapsyon.

“He is speaking (in a) mild tone,” saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Samantala, hindi pa pinabatid ang ibang detalye sa naturang pag-uusap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?