82

Dec 14, 2017 @ 17:06
By

Sinibak na 60 pulis-Caloocan, balik NPD

Mahigit 60 sa 1,076 na mga pulis-Caloocan na pinagsisibak noon, ang nakatapos na sa kanilang dalawang buwang re-orientation and moral enhancement program sa Camp Bagong Diwa at itatalaga sa Northern Police District (NPD).

Kinumpirma ng isa sa mga pulis na sumailalim din sa program ang deployment ng 60 na pulis.

Natanggap nito ang utos noong Disyembre 5 mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde at sa opisina ni NPD District Director Chief Supt. Amando Empiso na sila magre-report.

Nagreklamo naman ang ibang pulis na sumailalim sa programa laban sa custodial officer ng NCRPO na tumanggi umanong ibigay ang kanilang service firearms ng walang mga clearance mula sa regional director. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?