181

Nov 25, 2019 @ 20:01
By

Sinibak agad si Robredo: Duterte, ‘sinto-sinto’ – Joma Sison

Kinastigo ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison ang ginawang pagsipa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa kanyang inilabas na statement, tinawag ni Sison na abnormal at baliw ang Pangulo at malinaw umano na hindi ito sinsero sa pagtalaga kay Robredo bilang ICAD co-chairperson, na wala pang isang buwan na nanunungkulan.

“Now, Duterte looks like a fool, pasinto-sinto, by firing her after only two weeks,” wika ni Sison.

Sinabi rin ni Sison na natatakot daw ang Pangulo na madiskubre ng Bise Presidente na protektor ito ng malalaking drug lord.

“It is her duty to condemn the bogus character of Duterte’s so-called war on drugs. There is ample proof that Duterte and his close relatives and agents are responsible for the smuggling of illegal drugs,” ani Sison.

“More than ever it has become clear to the people that the problem of illegal drugs has worsened under the Duterte regime because it protects the drug lords as the suppliers and engages in mass murder at the expense of the poor people who are suspected of being drug users and pushers,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?