73

Feb 5, 2021 @ 11:45
By

Single na kawani may paid leave para maghanap ng true love

“Ilaan nyo ang buong araw sa paghahanap ng inyong forever upang makaabot kayo sa February 14.”

Bilin ito ni General Luna, Quezon Mayor Matt Florido sa mga empleyado ng lokal na gobyerno na nananatiling single.

Sa Facebook kagabi, pinunto ng alkalde na pwedeng magbakasyon ang mga manggagawa mula Pebrero 11, 2021.

“Para sa mga LGU employees na single: Pinapayagan ko kayo mag-LEAVE sa February 12. Ilaan nyo ang buong araw sa paghahanap ng inyong forever upang makaabot kayo sa February 14,” aniya.

“With pay ang leave nyo, kase naka-support ako sa pinagdadaanan nyo. Ok? Lab u!”

“PS. Dahil holiday nga pala ang February 12 at Chinese New Year, maaari kayong mag-file ng leave sa February 11. Mahaba-haba ang oras nyo para maghanap,” lahad niya pa.

Sa isang panayam, sinabi ni Florido na ang paid leave ay parte ng reward para sa kasipagan ng mga nasabing kawani.

Gusto aniya niyang siguraduhin na lahat ay sasaya sa Valentine’s Day kahit pa may pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?