182
Single na! Ciara masaya sa na-grant na annulment
By

Single na! Ciara masaya sa na-grant na annulment

Nagpapasalamat sa Diyos si Ciara Sotto na sa wakas ay ipinagkaloob na ang annulment ng kasal nila ng dating mister na si Joe Oconer.

Ani Ciara sa PEP report, February 2019 pa raw niya natanggap ang papeles ng pagsasawalang-bisa ng kasal nila kaya masaya siya dahil maayos na ang lahat.

Enero 2010 nang ikasal sina Ciara at Joe kung saan nagkaroon sila ng isang anak, si Crixus na isinilang noong March 2015.

Third party umano ang dahilan kaya naghiwalay sina Ciara at Joe pero para sa kapakanan ng kanilang anak ay nagiging civil sa isa’t isa ang dating mag-asawa.

Sa ngayon ay very happy si Ciara sa Filipino-American boyfriend niyang si Ian Austin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?