38

May 12, 2021 @ 13:28
By

Single moms, tutulungan ni Ivana mula sa bagong vlog

May panibagong treat ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi para sa mga nangangailangan.

Sa kanyang mother’s day vlog kung saan sinorpresa niya ang kanyang ina na si Fatima Marbella, inanunsyo ni Ivana na ang kikitain ng nasabing vlog ay ipapamahagi niya sa mga single moms.

Ito ay dahil ang nanay ni Ivana ay mag-isa rin silang pinalaki.

“Today, we must make you feel special and loved, and give you back kahit konting pagmamahal na ibinibigay niyo sa aming mga anak mo. At single mother siya and pinalaki niya kaming apat na magkakapatid,” mensahe ni Ivana sa vlog.

“So napagkasunduan namin ni Mama na ‘yung kita nitong video na ‘to is ido-donate namin sa charity. Maghahanap kami ng mga charity na mga single moms katulad ng aming Mama.”

“So please guys, don’t skip the ads kasi may mga iba kayong matutulungan. Ang mga tulong din is galing sa inyo, and we want to say thank you for supporting us,” dagdag pa ni Ivana.

May 13 milyon subscribers na si Ivana sa kanyang YouTube channel habang ang vlog naman ay mayroon ng 1.4 milyon views.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?