46

Jan 14, 2022 @ 15:04
By

Single mom na may 2 anak, nakatagpo ng ka-forever

“Be patient and wait.”

Ito ang payo ng isang single mom sa mga kababaihan at single mom na katulad niya noon na nawawalan na ng pag-asang makahanap ng lifetime partner.

“Wala pala talaga sa tagal ‘yan.. ‘When the time is right, I, the Lord will make it happen.’ Just let him have his way, because if you will let him control and manage your life, he will not give you wat you want, but he will give you wat u deserve,” ani Roviedelia Soriano Villena sa Facebook post.

Kuwento ni Roviedelia, hindi niya inaasahang ikakasal sila ni Macky Villena dahil sa mga pinagdaanan niyang relasyon na nagwakas din kahit matagal na ito.

Idagdag pa na may dalawang anak na siya. Pero sobrang powerful aniya ng pagmamahal ng Diyos at sa loob lang ng isang buwang relasyon nila ni Macky ay nag-propose na ito sa kanya.

Bonus pa aniya na binata at stable na sa buhay si Macky habang siya ay dalagang ina.

“God’s love is so powerful, He makes his way for us in just 6 months,and i realy never expected these to happen, kasi di talaga ako naniniwala nung ngpropose ka (kasi nga nakailan na ako) from 12 yrs relationship and from 2 yrs relationship tapos tau 1 month plang ngpropose kana, tapos binata kapa, stable na sa buhay, tapos ako single mom of 2..” saad pa ni Roviedelia.

“But when you started to look for and call for some wedding suppliers, started to pay everything for the wedding, i feel so emotional, its my first time to see na lalaki ang nag aayos at nglalakad ng mga kailangan sa kasal.. Lagi lang akong ngdadasal sabi ko Lord, ayoko na po sanang mgmahal, ayoko ng umasa at masaktan, focus nlng ako sa mga anak ko, pero kung sa tingin nyo po deserving po akong mgkaroon ng lifetime partner, sana po ang ipagkaloob nyo sa akin ay ung tanggap at mahal ang mga ank ko at may takot sa Dios para may takot din na saktan ako, kahit wag na ako ang mahalin, bsta mahal ang mga ank ko, masayang masaya na po ako,” dagdag niya.

“Tunay po na napakabuti mo panginoon and that All the praises and glory are only to you oh Lord..”




(IS)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?