46

Nov 19, 2021 @ 15:49
By

Single-dose bakuna ng Russia dumating na

Sa unang pagkakataon, may Sputnik Light vaccine na ang Pilipinas.

Tulad ng Janssen vaccine ng Johnson & Johnson, single-shot COVID-19 vaccine din ang Sputnik Light na gawa sa Russia.

Donasyon ng gobyerno ng Russia ang kabuuang 5,000 dose ng Sputnik Light na dumating sa Ninoy Aquino International Airport nitong Biyernes.

Noong Oktubre, sinabi ng Russian Direct Investment Fund na nagpakita ng 70% efficacy o bisa laban sa mas mabagsik na Delta COVID variant ang Sputnik Light.

Bukod sa shipment ng Sputnik Light, mahigit 2.8 milyong dose rin ng Sputnik V ang lumapag sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?