1,073
ABANTE aileen lizada atty
By

Singit sa pila ng NAIA: CSC Commissioner Lizada nainis sa mga Chinese

Hindi nakaligtas kahit opisyal ng gobyerno sa mga Chinese na gumagawa ng kalokohan sa bansa.

Ayon kay Civil Service Commission (CSC) commissioner Aileen Lizada, ilang Chinese umano ang hindi na dumaan sa pila sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, at biglang dumiretso sa X-ray.

Saad niya bawat Pilipino na papasok sa paliparan ay nakapila ng maayos ngunit hindi ito ang ginawa ng mga sinabi niyang Chinese national.

“Papasok po ako sa pre-departure na area, lahat po ng mga Pilipino ay properly pong naka-pila, pati po ako naka-pila po ako. Out of nowhere, four to five what appeared to be mga Chinese nationals, sumuong po sa ilalim no’ng parang barrier,” ayon kay Lizada.

Dahil sa pangyayari inireklamo ni Lizada ang insidente sa transport agency dahil tila wala sa hulog ang ginawa ng mga banyaga sa bansa.

“It does not look good on us that’s why sinabi ko ho sa OTS (Office of Transportation Security), and OTS immediately took action. ‘Yon lang ho ang point ko dito is we have our laws, na pinapasunod ho natin sa lahat na ho ng mga Filipino citizens, they are not above the laws,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?